Misadventurera

3.13.2008

Video editing, graphic design, and other services

Hi guys,
If you're in need of any of the following services:
- Video editing (AVP, documentary, shorts, full-feature, motion graphics, etc.)
- Graphic Design (book design, marketing collaterals, etc)
- Video coverage
- Copywriting/Scriptwriting
Please contact us at 0915-9838295, 0917-2097228, or call us up at 3815593. You may also email us at ortigasavenue@yahoo.com and at rona.co@gmail.com.
Thanks!
Mike and Rona

9.04.2007

Pagsaludo sa aking ika-27 taon

BIRTHDAY ko ngayon. Yes, ka-birthday ko si Beyonce. Tinawagan ko na nga siya kanina para batiin pero as it turned out, hindi pa pala September 4 sa kinaroroonan niya kaya sabi niya tawagan ko na lang siya later at saka siya batiin ulit. Tsk, tsk. Primadonnang celebrity. Siguro nagmi-midlife crisis na rin.

Naalala ko tuloy kung paano ako nag-midlife crisis last year. Sa sobrang pagka-depress, nag-quit ako sa trabaho at nag-vow sa sarili na kapag 27 na ako eh dapat masimulan ko nang gawin ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin. Tulad ng pagsusulat. Well, matagal na naman akong nagsusulat pero gusto kong matawag na “writer.” Actually, creative writer/scriptwriter/journalist kind of writer. Samahan mo pa ng kagustuhan ko ring maging documentarist/filmmaker. ‘Yun ang mga pangarap kong maging. Kaya last year, kahit wala pang nag-aabang na bagong trabaho sa akin, nag-quit ako sa trabaho at bahala na si Batman. Basta ang sabi ko sa sarili ko, kung hindi ngayon kelan pa? Baliw ang tingin sa akin ng ibang tao dahil para raw akong nag-flying trapeze nang walang safety net—naka-blindfold pa.

Pero sa totoo lang, sa lahat ng desisyong nagawa ko sa buong 27 years ko sa mundo, iyon ang pinaka-‘da best’ na desisyong nagawa ko. Dahil doon ako nagsimulang mangarap, mag-enjoy sa mga bagay na ginagawa ko, makaramdam ng kalayaan at kaligayahang hindi matutumbasan ng salapi. Sa panahong iyon ako nagsimulang lumago, mag-aral tungkol sa mga bagay na matagal ko nang gustong matutunan, at magkaroon ng direksyon ang buhay. Sa panahong iyon ko nakita ang aking mga kahinaan at kalakasan, o ang limitasyon ko at sukdulan.

Ngayon, masaya akong sinasalubong ang ika-28 kong taon. Mahirap pa rin ang daan—at mahirap pa rin ako—pero sa wakas mayroon na akong mga konkretong plano. Ngayon, nagmamahal ako, nangangarap, umaaksyon, naninindigan, nagsasalita, nabubuhay. Nag-iipon para sa una kong short film. Nagre-research para sa susunod na script. Nag-aaral kung paano gumawa ng maganda at makabuluhang pelikula. Nag-iisip ng plotlines para sa planong full-length film. Natututo sa mga bagong katrabaho at kakilala. At higit sa lahat, paunti-unting lumalapit sa pangarap kong maging totoong manunulat.

***

Salamat sa lahat ng taong nagbigay halaga sa akin sa ika-12 midnight ng September 4.

Sa aking palangga -- Ang galing mo talagang bumawi. Sana tuloy-tuloy na itong kaligayahan nating ito. Mahal na mahal kita.

Sa aking best friends na sina Aya, Marlon, at Dieph -- Hugs. Hugs. Hugs. Wala akong masabi. Salamat talaga at lagi kayong nandiyan. Hugs. Hugs. Hugs.

Sa lahat ng bumati -- Sana mai-share ko rin sa inyo ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Maraming salamat.

8.20.2007

Stalking Quentin Tarantino

HABANG rumaragasa si bagyong Egay noong August 15, rumagasa din ang pagiging stalker ko nang ma-assign akong mag-cover ng Cinemanila awarding ceremony sa Malacañang.

Hay, siyempre pinaiwan ng guards sa akin sa guardhouse ang camerang dala ko (dahil hindi accredited ng Malacañang Press Corps) kaya no choice ako kundi maupo lang dun at magsulat kung sino nga ba ang mga nanalo.

Dumating ako sa Rizal Hall ng 1:15 p.m. Siyempre, maga-alas tres na nagsimula ang event dahil, gaya nga ng mga nabalita, na-late si Quentin Tarantino at Cinemanila head Tikoy Aguiluz dahil na-stranded sa baha, at pati si GMA eh na-late din. At hindi ko na ikukuwento ang pagsakay ni QT sa sidecar dahil I'm sure alam na ninyong lahat.

Anyway, so ayun na, nangyari na nga ang awarding. Pero tulad ng ibang fans ni Quentin na masuwerteng nakasama sa guest list ng Malacañang, wala na akong nagawa kundi i-stalk na lang siya. Isip ako ng isip, "Magpa-picture kaya ako? Eh paano 'yan wala naman akong kasama, sinong kukuha ng picture namin? Pero teka, once in a lifetime opportunity lang ito? Ano nang gagawin ko?"

Luckily, eh may nakita akong kakilala from NCCA (National Commission for Culture and the Arts), si Rene. Once lang kami nag-meet ni Rene, November last year pa at dahil ito sa facial junket ng Dermclinic sa Clark, Pampanga. Buti na lang accomodating ang Rene at sa kanya na lang din ako nag-request ng photos para sa Cinemanila Awarding.

So nang makita ko si Rene, nabuhayan ako ng loob. "Ayan may kukuha na ng picture namin ni QT," isip ko. Kaya lang, dahil kumakain ang Quentin, ayaw niya munang magpa-picture. So wala na tuloy akong nagawa kundi sundan siya, panoorin siyang kumuha ng cookies, pasta, at juice, at sundan ulit siya. Hay, para talaga akong gaga, ngayon lang ako na-starstruck sa buong buhay ko. Fan kasi talaga ako ng mga pelikula niya at parang lost ako sa sariling mundo ko habang tinitignan siyang kumakain.

Nang matapos si Quentin kumain, sabi ng isang taga-NCCA (official yata kasi mukhang "Ma'am" na siya eh) puwede na raw magpa-picture kay Quentin pero "group picture." Eh anak ng tinapa, sinong kagrupo ko eh mag-isa nga lang ako eh? Kaya nang mag-pose na ang mga taga-NCCA for a photo, sumingit talaga ako. At heto ka, katabi ko si Quentin (hehehe!!!), medyo dikit ang braso namin sa photo, may isang babaeng mas maliit lang sa akin na nasa unahan ko pero basta, dikit ang braso namin.

Heto ang photo:




Basta, hayun ako, 'yung magandang babae sa kaliwa ni Quentin. Natatawa lang ako sa idea na baka kapag nakita ito ng mga empleyado ng NCCA eh mapatanong sila na "Sino ang babaeng 'yon?" At baka ilagay nila ito sa FHM, dun sa section na binibilugan 'yung mukha ng mga sumisingit sa photo. Anu't anupaman, at least may photo kami ni Quentin. Hintayin lang nilang magka-time ako at ika-crop ko silang lahat. Buwahahahahaha!

8.17.2007

Mga eksenadora

Tinitignan ko ang photos ng 80th birthday ni Pareng Dolphy (as if) na kuha ng contributor naming si Mr. Danny Tan, nang may makita kong dalawang babaeng eksenadora. Heto sila:

1. Jenny Fernandez, GF ni Vandolph. Kalurka ang kanyang fur outfit, standout sa lahat ng photos. Ma-emote pa ang fez, mas ma-emote pa sa fez ni Zsa Zsa.

2. Vicky Belo. No judgement ako sa mala-Demi and Ashton na kachikahan ni doktora at ni Dr. Hayden Kho. At take note, doktor din po ang 27-year old boyfriend of 2 years (opo, 2 years na po sila) ni Ka Belo.

8.08.2007

Bus

NAKAKATUWA talaga minsan ang mga eksena sa bus. Gaya nitong isang araw, habang nakaupo ako sa window seat sa first row sa likuran ng driver, may katabi akong teenage woman na kinairitahan ko dahil ayaw umusog at umupo nang maayos. Sa simula pa nga, wala siyang care sa hitsura niya, sloppy ang pagkakaupo niya at parang lost sa sariling mundo.

Ang kaso, may lalaking umupo sa tabi niya. Hindi naman cute ang lalaki pero umayos ng upo ang hitad.

“San punta mo?” opening line ng lalaki.

Pa-sweet ang girl. “Ha?”

“San ka bababa?” tanong ulit ng lalaki. Nag-usap na ang dalawa. Actually, kahit panay ang eavesdrop ko eh hindi ko marinig masyado kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Basta, exchanging personal information, gaya ng san ang probinsiya nila, ilang taon na, etcetera, etcetera.

“Ano bang pangalan mo?” susog ulit ng lalaki.

Patuloy ang pagpapa-sweet.

“Ah…V.”

“Anong V? Victoria? Vicky?”

“Basta V,” pagmamaganda ng babae.

Pigil na pigil ang tawa ko sa nagaganap na conversation sa tagiliran ko.

“May number ka ba?” Napalingon ako sa kanila. Aba ang hitad, sinusulat na ang number niya sa palad ng lalaki.

Tinignan ng lalaki ang number at nagtanong, “Wala ka bang Sun?”

“Meron.”

“Eh bakit hindi ‘yun ang binigay mo sa kin?”

“Eh hindi ko naman laging ginagamit eh,” pa-sweet ang boses ng girl.

Hindi na rin nakatiis ang driver na, sa gitna ng traffic, eh nauulinigan din pala ang conversation ng dalawa.

“Ang bilis mo, ‘toy ah!” Mapangbuska ang ngiti ng driver. Obvious na nahiya ang babae dahil hininaan niya lalo ang boses niya sa pakikipag-usap sa lalaki. Pero kailangan nang bumaba ng lalaki sa bus at nagpaalam na sila. Pero pagkababang-pagkababa ng lalaki, kinuha agad ng girlash ang compact mirror sa bag, tinignan ang hitsura, nag-ayos ayos at, aba, nag-lipstick pa.

Ngiting ngiti na talaga ako. Kung hindi ako tatawa baka mautot ako sa kakapigil ng tawa. Kailangan kong humanap ng props kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at itinext ko sa friend ko kung anong nagaganap sa tabi ko. Sumagot ang friend ko, “Dpt sumngit k. Dpt tnanong mo, ‘Xcuse me, bt wats d meaning of ds?’” Tumawa na talaga ako nang malakas.

Lalong na-conscious ang babae. Habang ngiting ngiti akong nagte-text sa kaibigan ko, aba halos mag-lean na ang hitad sa akin para masilip kung siya ba ang pinag-uusapan namin sa text ng friend ko. Lalo kong itinalikod sa kanya ang cellphone at may pagkamalditang nag-text nang nag-text habang nakangiti. Obvious na irita ang babae sa akin hanggang sa bumaba na siya sa bus.

Ang lesson? Always sit properly.

Mood: Masarap magpapak ng Milo.

Bus

NAKAKATUWA talaga minsan ang mga eksena sa bus. Gaya nitong isang araw, habang nakaupo ako sa window seat sa first row sa likuran ng driver, may katabi akong teenage woman na kinairitahan ko dahil ayaw umusog at umupo nang maayos. Sa simula pa nga, wala siyang care sa hitsura niya, sloppy ang pagkakaupo niya at parang lost sa sariling mundo.

Ang kaso, may lalaking umupo sa tabi niya. Hindi naman cute ang lalaki pero umayos ng upo ang hitad.

“San punta mo?” opening line ng lalaki.

Pa-sweet ang girl. “Ha?”

“San ka bababa?” tanong ulit ng lalaki. Nag-usap na ang dalawa. Actually, kahit panay ang eavesdrop ko eh hindi ko marinig masyado kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Basta, exchanging personal information, gaya ng san ang probinsiya nila, ilang taon na, etcetera, etcetera.

“Ano bang pangalan mo?” susog ulit ng lalaki.

Patuloy ang pagpapa-sweet.

“Ah…V.”

“Anong V? Victoria? Vicky?”

“Basta V,” pagmamaganda ng babae.

Pigil na pigil ang tawa ko sa nagaganap na conversation sa tagiliran ko.

“May number ka ba?” Napalingon ako sa kanila. Aba ang hitad, sinusulat na ang number niya sa palad ng lalaki.

Tinignan ng lalaki ang number at nagtanong, “Wala ka bang Sun?”

“Meron.”

“Eh bakit hindi ‘yun ang binigay mo sa kin?”

“Eh hindi ko naman laging ginagamit eh,” pa-sweet ang boses ng girl.

Hindi na rin nakatiis ang driver na, sa gitna ng traffic, eh nauulinigan din pala ang conversation ng dalawa.

“Ang bilis mo, ‘toy ah!” Mapangbuska ang ngiti ng driver. Obvious na nahiya ang babae dahil hininaan niya lalo ang boses niya sa pakikipag-usap sa lalaki. Pero kailangan nang bumaba ng lalaki sa bus at nagpaalam na sila. Pero pagkababang-pagkababa ng lalaki, kinuha agad ng girlash ang compact mirror sa bag, tinignan ang hitsura, nag-ayos ayos at, aba, nag-lipstick pa.

Ngiting ngiti na talaga ako. Kung hindi ako tatawa baka mautot ako sa kakapigil ng tawa. Kailangan kong humanap ng props kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at itinext ko sa friend ko kung anong nagaganap sa tabi ko. Sumagot ang friend ko, “Dpt sumngit k. Dpt tnanong mo, ‘Xcuse me, bt wats d meaning of ds?’” Tumawa na talaga ako nang malakas.

Lalong na-conscious ang babae. Habang ngiting ngiti akong nagte-text sa kaibigan ko, aba halos mag-lean na ang hitad sa akin para masilip kung siya ba ang pinag-uusapan namin sa text ng friend ko. Lalo kong itinalikod sa kanya ang cellphone at may pagkamalditang nag-text nang nag-text habang nakangiti. Obvious na irita ang babae sa akin hanggang sa bumaba na siya sa bus.

Ang lesson? Always sit properly.

Mood: Masarap magpapak ng Milo.

8.07.2007

This is how Freud would see me

I TOOK the Tickle Freudian Test and here's what it has to say about me:

Rona, Freud would say your personality is most affected by events that happened when you were between a year and a half and three years old.

Relative to others, your personality today is moderately affected by the events of your childhood. This manifests itself in surprising ways. For example, you have a tendency to be especially orderly or clean. Compared to others, you may also harbor a strong rebellious streak. In life you can make your own decisions or let other people make those decisions for you. Being Above The Influence is about staying true to yourself, and not letting people pressure you into being less than you. So be yourself. Or be something less. It's your call.

If you care to read more about MY Freudian test, click here.

11.08.2006

Kakornihan

MINSAN ang mga korning bagay ang nagpapasaya sa buhay. Kaya hayaan mong kantahan kita ng...

I had no choice but to hear you
You stated your case time and again
I thought about it.
You treat me like I'm a princess
I'm not used to liking that
You asked how my day was.

You've already won me over in spite of me
And don't be alarmed if I fall head over feet
Don't be surprised if I love you for all that you are
I couldn't help it
It's all your fault.

Your love is thick and it swallowed me whole
You're so much braver than I gave you credit for
That's not lip service.

You've already won me over in spite of me
And don't be alarmed if I fall head over feet
Don't be surprised if I love you for all that you are
I couldn't help it
It's all your fault.

You are the bearer of unconditional things
You held your breath and the door for me
Thanks for your patience.

You're the best listener that I've ever met
You're my best friend
Best friend with benefits
What took me so long.

I've never felt this healthy before
I've never wanted something rational
I am aware now,
I am aware now.

You've already won me over in spite of me
And don't be alarmed if I fall head over feet
Don't be surprised if I love you for all that you are
I couldn't help it
It's all your fault.

9.21.2006

Untitled

When it is and isn’t
Or was but wasn’t
It could have
But also couldn’t have.
It’s a what if, a guess,
A hunch, an assumption.
It’s a tiring obsession
Of my imagination.

It’s a daydream
Remember, a dream?
Merely an effin’ musing
Of my wits cloaked
In a dark veil of memoirs
That gyrates around you
With such zeal as though
They were my hips.

And your lips
Your soft, soft lips and mine
They scarcely swell and die
They mimic how we try
To untangle from ourselves
And from desire
To bequeath belief
And embrace grief.

Must I, must I
Must I stand up and lie
And make nothing expire
When you have bent with me
And I’m now warped with you
Set out but don’t set out
In this sad, sad dance
Of self preservation.

Before Sunrise, Before Sunset

NOON, mahilig akong kumuha ng larawan ng papalubog na araw.

Photobucket - Video and Image Hosting

Ngunit ayon sa mga nakatatanda, may kasabihan na bawal kuhanan ng larawan ang paglubog nito. Anila, trahedya ang sasalubong sa sinumang kumuha ng imahe ng araw sa mga huli nitong hininga.

Tama siguro sila. Dahil matapos nito, dalawang taong pinakamahalaga sa buhay ko ang biglaan na lang nawala.

Nagalit ako. Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga kasabihan o pamahiin o mga hula. Pero hindi na ako muling humarap dito na hawak ang aking kamera.

Ngunit minsan, tinatawag pa rin ako nito. Hinahalina niya akong kuhanan siyang muli at hayaang patunayan na wala siyang kinalaman sa trahedya. Ang sinag nga naman niya ang nagbibigay-buhay sa mga halaman, sa hayop, sa tao...Sa paanong paraan siya naiugnay sa kamatayan?

Tinatawag niya ako. Pero hindi na ako paiisa. Hindi na ako papayag na isa na naman sa mga mahal ko ang kunin niya. Kailangan unahan ko siya.

Photobucket - Video and Image Hosting

Papasilip pa lamang siya nang makita niyang hawak ko ang aking kamera. Naunahan ko siya. Nakuhanan ko siya habang papasikat pa lamang ang kanyang mga sinag, habang buo pa ang pangako niyang isa siyang tagapagbigay-buhay at hindi tagapagdala ng trahedya.

Sininagan ako ng araw sa mukha. Hinaplos niya ang aking pisngi habang pikit-mata kong ninamnam ang init ng kanyang palad. Nakangiti siya at maamo ang mukha, taliwas sa imaheng tumatak sa isip ko dahil sa mga trahedyang kanyang pinaranas.

"Bati na tayo?" aniya.

Hindi ko alam ang isasagot. Natatakot akong sumagot. Paano kung hayaan niya muli akong kuhanan siya ng larawan kapalit ng buhay ng aking minamahal? Paano kung isa itong patibong kung saan pilit niya akong ihinuhulog? Paano kung hindi siya tapat? Paano kung niloloko niya ako? Paano kung hindi naman talaga siya nakikipagbati?

"Ayoko."

Tinanggihan ko ang alok ng haring araw. Tumalikod ako at nagsimulang tumakbo papalayo sa kanyang kinatatayuan. Sa pagtakbo, nabitawan ko ang aking kamera.

Pagpapakilala

1. Buong pangalan?
RC

2. Anong nararamdaman mo ngayon?
Pagod. Pagod. Pagod. At excitement sa mga darating na araw.

3. Bakit yun ang nararamdaman mo?
Dahil nakikita kong mabibigyan ko na rin ng panahon 'yung mga bagay na dati ko pa gustong gawin pero hindi nagawa dahil sa napakaraming rason. Ngayon, wala nang makakapigil sa akin. Buwahahahaha!

4. Saan mo gusto pumunta ngayon?
Sa Batanes. At sa Baguio. At sa Paris, Amsterdam, Vienna, Venice, Barcelona, Versailles...ahhh...Europa!

5. Kung may yayakapin ka ngayon, sino?
Ang mga kaibigan kong patuloy na nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal. Maraming salamat.

6. Kung may chance kang bumuhay ng tao, sino bubuhayin mo?
Si Papa, para maranasan man lang ng kapatid kong magkasama sila.

7. Anong kanta ang lagi mong kinakanta?
Chasing Cars by Snow Patrol.

8. Sinong katabi mo ngayon?
Aba malay. Nasa Internet cafe ako no!

9. Kung papipiliin ka, sino pipiliin mo:mahal mo na di ka mahal, o mahal ka na di mo mahal?
Ayaw. Gusto ko two-way. Pero kung walang choice, ‘yung mahal ko na hindi ako mahal dahil mahirap ma-stuck with someone na hindi mo mahal (huh?). On second thought, mahirap din ma-stuck with someone na mahal mo nga pero nakikita mo naman siyang hindi masaya.

10. Sinong gusto mong makausap ngayon?
Umm…si……kret?

11. Kung hindi ka ikaw ngayon, sino ka?
Gusto ko pa ring maging ako.

12. Ano pinakamalungkot na nangyari sa'yo?
'Yung pagkamatay ni Papa nang hindi man lang sila nagkakasama ng kapatid kong si Ronald.

13. Anong kanta ang gusto mong i-play?
Kantahin ko na lang: "If I lay here, if I just lay here would you lie with me and just forget the world?"

14. Kung bibigyan mo yung mahal mo ng bulaklak ano yun?
Les Irises ni Van Gogh

15. Anong talent mo?
Ummm…sabi ni (*bleep*) ano raw eh…

16. Ma-pride ka bang tao?
Super!

17. Anong bagay na gusto mong makuha ngayon?
Peace of mind

18. Sinong artista ang kinalolokohan mo ngayon?
Ping Medina

19. Sino ang kinakainisan mo ngayon?
Hay...sayang lang ang space kung babanggitin ko pa sila.

20. Anong pelikula ang gusto mong panoorin?
The Devil Wears Prada at lahat ng DVD kong hindi ko pa napapanood.

21. Kung bida ka sa isang pelikula,sino gusto mong leading man/lady mo?
Si Ping Medina gusto ko leading man. Tapos ang role naming dalawang taong abnoy na nagkaibigan.

22. Kung di mo pangalan ang pangalan mo ngayon, ano ang pangalan mo?
Pangalan ko pa rin. I like my name. It means “rough island.”

23. Kung may gusto kang balikan sa nakaraan mo, ano yun?
‘Yung panahong buhay pa ang Papa ko para nasabi ko sa kanya kung ano ang mga gusto kong sabihin.

24. Masaya ba ang kwento ng buhay mo?
Makulay. Sobrang makulay. Pero hindi laging masaya. Tragic puwede pa. Pero masaya rin 'yung pagka-tragic niya.

25. Kung papayagan kang pumatay ngayon, sino ang papatayin mo?
Masyado akong mabait para pumatay.

26. Sino ang pinakaimportanteng (mga) tao ngayon sa buhay mo?
Ayokong magsabi ng kahit sino. Baka may magkatampuhan.

27. Ano ang pinaka-pangarap mong maging nung bata ka pa?
Maging lawyer. At magkaroon ng car si Barbie doll ko. Parehong hindi natupad.

28. Kung singer ka, sinong singer ang gusto mong maka-duet?
Si Christian Bautista (blushes)

29. Sa tingin mo, bakit kailangang magmahal?
Dahil nasa pagmamahal ang kulay ng buhay. Kung walang pagmamahal, walang sakit, walang saya, walang mga nobela, tula at pelikula, at walang mga kanta. Nasa pagmamahal nang tunay ang kuwela ng buhay.

30. Isang pelikula na talagang iniyakan mo?
What Dreams May Come at saka Bata, Bata Paano Ka Ginawa? Ay teka, dalawa na 'yun ah.

31. Ano ang pinaka-ayaw mong ugali ng isang tao?
Pretentiousness and hypocrisy

32. Anong theme song ng buhay mo?
Wala pa. Hahanapan ko pa lang.

33. Kung pwede mong i-rewind ang oras, ano gagawin mo?
May mga tao akong buburahin sa buhay ko.

34. Kaya mo bang pakawalan ang taong mahal mo?
Kung ikaliligaya niya at kung iyon ang gusto niya bakit hindi?

35. Motto mo tungkol sa love sa mga oras na ito?
Magmahal nang parang wala nang bukas.