9.04.2007

Pagsaludo sa aking ika-27 taon

BIRTHDAY ko ngayon. Yes, ka-birthday ko si Beyonce. Tinawagan ko na nga siya kanina para batiin pero as it turned out, hindi pa pala September 4 sa kinaroroonan niya kaya sabi niya tawagan ko na lang siya later at saka siya batiin ulit. Tsk, tsk. Primadonnang celebrity. Siguro nagmi-midlife crisis na rin.

Naalala ko tuloy kung paano ako nag-midlife crisis last year. Sa sobrang pagka-depress, nag-quit ako sa trabaho at nag-vow sa sarili na kapag 27 na ako eh dapat masimulan ko nang gawin ang mga bagay na matagal ko nang gustong gawin. Tulad ng pagsusulat. Well, matagal na naman akong nagsusulat pero gusto kong matawag na “writer.” Actually, creative writer/scriptwriter/journalist kind of writer. Samahan mo pa ng kagustuhan ko ring maging documentarist/filmmaker. ‘Yun ang mga pangarap kong maging. Kaya last year, kahit wala pang nag-aabang na bagong trabaho sa akin, nag-quit ako sa trabaho at bahala na si Batman. Basta ang sabi ko sa sarili ko, kung hindi ngayon kelan pa? Baliw ang tingin sa akin ng ibang tao dahil para raw akong nag-flying trapeze nang walang safety net—naka-blindfold pa.

Pero sa totoo lang, sa lahat ng desisyong nagawa ko sa buong 27 years ko sa mundo, iyon ang pinaka-‘da best’ na desisyong nagawa ko. Dahil doon ako nagsimulang mangarap, mag-enjoy sa mga bagay na ginagawa ko, makaramdam ng kalayaan at kaligayahang hindi matutumbasan ng salapi. Sa panahong iyon ako nagsimulang lumago, mag-aral tungkol sa mga bagay na matagal ko nang gustong matutunan, at magkaroon ng direksyon ang buhay. Sa panahong iyon ko nakita ang aking mga kahinaan at kalakasan, o ang limitasyon ko at sukdulan.

Ngayon, masaya akong sinasalubong ang ika-28 kong taon. Mahirap pa rin ang daan—at mahirap pa rin ako—pero sa wakas mayroon na akong mga konkretong plano. Ngayon, nagmamahal ako, nangangarap, umaaksyon, naninindigan, nagsasalita, nabubuhay. Nag-iipon para sa una kong short film. Nagre-research para sa susunod na script. Nag-aaral kung paano gumawa ng maganda at makabuluhang pelikula. Nag-iisip ng plotlines para sa planong full-length film. Natututo sa mga bagong katrabaho at kakilala. At higit sa lahat, paunti-unting lumalapit sa pangarap kong maging totoong manunulat.

***

Salamat sa lahat ng taong nagbigay halaga sa akin sa ika-12 midnight ng September 4.

Sa aking palangga -- Ang galing mo talagang bumawi. Sana tuloy-tuloy na itong kaligayahan nating ito. Mahal na mahal kita.

Sa aking best friends na sina Aya, Marlon, at Dieph -- Hugs. Hugs. Hugs. Wala akong masabi. Salamat talaga at lagi kayong nandiyan. Hugs. Hugs. Hugs.

Sa lahat ng bumati -- Sana mai-share ko rin sa inyo ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon. Maraming salamat.

8.20.2007

Stalking Quentin Tarantino

HABANG rumaragasa si bagyong Egay noong August 15, rumagasa din ang pagiging stalker ko nang ma-assign akong mag-cover ng Cinemanila awarding ceremony sa Malacañang.

Hay, siyempre pinaiwan ng guards sa akin sa guardhouse ang camerang dala ko (dahil hindi accredited ng Malacañang Press Corps) kaya no choice ako kundi maupo lang dun at magsulat kung sino nga ba ang mga nanalo.

Dumating ako sa Rizal Hall ng 1:15 p.m. Siyempre, maga-alas tres na nagsimula ang event dahil, gaya nga ng mga nabalita, na-late si Quentin Tarantino at Cinemanila head Tikoy Aguiluz dahil na-stranded sa baha, at pati si GMA eh na-late din. At hindi ko na ikukuwento ang pagsakay ni QT sa sidecar dahil I'm sure alam na ninyong lahat.

Anyway, so ayun na, nangyari na nga ang awarding. Pero tulad ng ibang fans ni Quentin na masuwerteng nakasama sa guest list ng Malacañang, wala na akong nagawa kundi i-stalk na lang siya. Isip ako ng isip, "Magpa-picture kaya ako? Eh paano 'yan wala naman akong kasama, sinong kukuha ng picture namin? Pero teka, once in a lifetime opportunity lang ito? Ano nang gagawin ko?"

Luckily, eh may nakita akong kakilala from NCCA (National Commission for Culture and the Arts), si Rene. Once lang kami nag-meet ni Rene, November last year pa at dahil ito sa facial junket ng Dermclinic sa Clark, Pampanga. Buti na lang accomodating ang Rene at sa kanya na lang din ako nag-request ng photos para sa Cinemanila Awarding.

So nang makita ko si Rene, nabuhayan ako ng loob. "Ayan may kukuha na ng picture namin ni QT," isip ko. Kaya lang, dahil kumakain ang Quentin, ayaw niya munang magpa-picture. So wala na tuloy akong nagawa kundi sundan siya, panoorin siyang kumuha ng cookies, pasta, at juice, at sundan ulit siya. Hay, para talaga akong gaga, ngayon lang ako na-starstruck sa buong buhay ko. Fan kasi talaga ako ng mga pelikula niya at parang lost ako sa sariling mundo ko habang tinitignan siyang kumakain.

Nang matapos si Quentin kumain, sabi ng isang taga-NCCA (official yata kasi mukhang "Ma'am" na siya eh) puwede na raw magpa-picture kay Quentin pero "group picture." Eh anak ng tinapa, sinong kagrupo ko eh mag-isa nga lang ako eh? Kaya nang mag-pose na ang mga taga-NCCA for a photo, sumingit talaga ako. At heto ka, katabi ko si Quentin (hehehe!!!), medyo dikit ang braso namin sa photo, may isang babaeng mas maliit lang sa akin na nasa unahan ko pero basta, dikit ang braso namin.

Heto ang photo:

Basta, hayun ako, 'yung magandang babae sa kaliwa ni Quentin. Natatawa lang ako sa idea na baka kapag nakita ito ng mga empleyado ng NCCA eh mapatanong sila na "Sino ang babaeng 'yon?" At baka ilagay nila ito sa FHM, dun sa section na binibilugan 'yung mukha ng mga sumisingit sa photo. Anu't anupaman, at least may photo kami ni Quentin. Hintayin lang nilang magka-time ako at ika-crop ko silang lahat. Buwahahahahaha!

8.17.2007

Mga eksenadora

Tinitignan ko ang photos ng 80th birthday ni Pareng Dolphy (as if) na kuha ng contributor naming si Mr. Danny Tan, nang may makita kong dalawang babaeng eksenadora. Heto sila:

1. Jenny Fernandez, GF ni Vandolph. Kalurka ang kanyang fur outfit, standout sa lahat ng photos. Ma-emote pa ang fez, mas ma-emote pa sa fez ni Zsa Zsa.

2. Vicky Belo. No judgement ako sa mala-Demi and Ashton na kachikahan ni doktora at ni Dr. Hayden Kho. At take note, doktor din po ang 27-year old boyfriend of 2 years (opo, 2 years na po sila) ni Ka Belo.

8.08.2007

Bus

NAKAKATUWA talaga minsan ang mga eksena sa bus. Gaya nitong isang araw, habang nakaupo ako sa window seat sa first row sa likuran ng driver, may katabi akong teenage woman na kinairitahan ko dahil ayaw umusog at umupo nang maayos. Sa simula pa nga, wala siyang care sa hitsura niya, sloppy ang pagkakaupo niya at parang lost sa sariling mundo.

Ang kaso, may lalaking umupo sa tabi niya. Hindi naman cute ang lalaki pero umayos ng upo ang hitad.

“San punta mo?” opening line ng lalaki.

Pa-sweet ang girl. “Ha?”

“San ka bababa?” tanong ulit ng lalaki. Nag-usap na ang dalawa. Actually, kahit panay ang eavesdrop ko eh hindi ko marinig masyado kung anong pinag-uusapan ng dalawa. Basta, exchanging personal information, gaya ng san ang probinsiya nila, ilang taon na, etcetera, etcetera.

“Ano bang pangalan mo?” susog ulit ng lalaki.

Patuloy ang pagpapa-sweet.

“Ah…V.”

“Anong V? Victoria? Vicky?”

“Basta V,” pagmamaganda ng babae.

Pigil na pigil ang tawa ko sa nagaganap na conversation sa tagiliran ko.

“May number ka ba?” Napalingon ako sa kanila. Aba ang hitad, sinusulat na ang number niya sa palad ng lalaki.

Tinignan ng lalaki ang number at nagtanong, “Wala ka bang Sun?”

“Meron.”

“Eh bakit hindi ‘yun ang binigay mo sa kin?”

“Eh hindi ko naman laging ginagamit eh,” pa-sweet ang boses ng girl.

Hindi na rin nakatiis ang driver na, sa gitna ng traffic, eh nauulinigan din pala ang conversation ng dalawa.

“Ang bilis mo, ‘toy ah!” Mapangbuska ang ngiti ng driver. Obvious na nahiya ang babae dahil hininaan niya lalo ang boses niya sa pakikipag-usap sa lalaki. Pero kailangan nang bumaba ng lalaki sa bus at nagpaalam na sila. Pero pagkababang-pagkababa ng lalaki, kinuha agad ng girlash ang compact mirror sa bag, tinignan ang hitsura, nag-ayos ayos at, aba, nag-lipstick pa.

Ngiting ngiti na talaga ako. Kung hindi ako tatawa baka mautot ako sa kakapigil ng tawa. Kailangan kong humanap ng props kaya kinuha ko na lang ang cellphone ko at itinext ko sa friend ko kung anong nagaganap sa tabi ko. Sumagot ang friend ko, “Dpt sumngit k. Dpt tnanong mo, ‘Xcuse me, bt wats d meaning of ds?’” Tumawa na talaga ako nang malakas.

Lalong na-conscious ang babae. Habang ngiting ngiti akong nagte-text sa kaibigan ko, aba halos mag-lean na ang hitad sa akin para masilip kung siya ba ang pinag-uusapan namin sa text ng friend ko. Lalo kong itinalikod sa kanya ang cellphone at may pagkamalditang nag-text nang nag-text habang nakangiti. Obvious na irita ang babae sa akin hanggang sa bumaba na siya sa bus.

Ang lesson? Always sit properly.

Mood: Masarap magpapak ng Milo.

8.07.2007

This is how Freud would see me

I TOOK the Tickle Freudian Test and here's what it has to say about me:

Rona, Freud would say your personality is most affected by events that happened when you were between a year and a half and three years old.

Relative to others, your personality today is moderately affected by the events of your childhood. This manifests itself in surprising ways. For example, you have a tendency to be especially orderly or clean. Compared to others, you may also harbor a strong rebellious streak. In life you can make your own decisions or let other people make those decisions for you. Being Above The Influence is about staying true to yourself, and not letting people pressure you into being less than you. So be yourself. Or be something less. It's your call.

If you care to read more about MY Freudian test, click here.